Madalas, naiisip ko kung ano ba talaga ang hinahanap ko sa buhay para maging masaya na nang lubusan. Walang materyal na hindi ko pa nakukuha kapag ninais ko. Ngunit pansamantala lang ang kaligayahang natatamo ko, pagkatapos noon, binabalot na naman ng dalamhati’t kalungkutan ang pagkatao ko. Mahirap nga yatang maging maligaya lalo na’t hindi mo alam kung ano ba talaga ang kulang o kung may kulang pa nga ba..
Sa mga nagdaang taon ng buhay ko, dumaan na ang ilang unos. Ilang beses na rin akong nakakita ng bahaghari sa bawat pagtatapos ng ulan o bagyo. Maraming pagkakataon rin namang maaliwalas ang paligid, na bughaw ang langit, nakangiti ang haring araw na tila ba nagsasabing masarap ang mabuhay. May mga gabing walang liwanag na binibigay ang buwan para magsilbing ilaw sa karimlan, ngunit mayroon rin namang mga panahong maliwanag, buung-buo ang buwan at maraming mga tala na bumubulong ng pag-asa, na mayroon kang magandang bukas na magigisnan. Lahat ng ito nakita ko, nagisnan ko, at marahil lahat ng ito ay dapat kong ipagpasalamat sa Kanya. Hindi lahat ay nabibigyang pagkakataon upang mamulat at mamalas ang lahat ng Kanyang gawa. Ngunit tao lang naman tayo, sabi nga ng marami, may mga bagay na hindi kayang bigyang kasagutan o di abot ng ating mababaw na kaisipan.
Bakit nga ba ang tao hindi makuntento? Bakit palagian na lang marami tayong tanong? Sa bawat problema, sa konting galos na matamo dulot ng sarili naman nating kagagawan? Sa bawat pagkakadapa o pagtatagumpay na natatamasa, hindi pwedeng hindi tayo magtatanong. “Bakit ganito, bakit ganon?” “Bakit ako pa, bakit hindi na lang iba?”
Marahil nga ang tao ay nilalang Niya upang siya mismong humanap at gumawa ng kanyang kapalaran. Mamili, maging maayos ang buhay o malihis ng daan. Marahil kung may kulang pa nga sa atin, tayo rin ang may sala.
Ano nga ba ang kulang? O may kulang pa nga ba? Kapag nahanap ko na ang sagot sa mga tanong, magiging lubos na ba ang kaligayahan ko?
Ako mismo, hindi ko batid ang kasagutan.

No comments:
Post a Comment